Miyerkules, Enero 6, 2016

"Ating Abutin Ang Ating Pangarap"

          Ikaw may pangarap ka ba? Pangarap mo bang yumaman, maging sikat na artista, magaling na negosyante, makapagtayo ng sariling eskwelahan o kaya'y maging bayani ng bayan? Maging sino ka man, bata man o matanda, may pera man o wala may pangarap at ito'y iyong karapatan na tuparin. Ito ang mga salitang gusto kong itatak sa inyong kaisipan at kalooban kapag naiisip ninyo ang inyong pangarap. "LIBRE" ang mangarap pero lahat ng indibidwal ay mayroon nito, at lahat ay maaring  umunlad





          Noong bata pa ako pangarap kong matutong kumanta. Kaya araw-araw akong nanonood ng mga mang-aawit sa telebisyon. Pinag-aralan ko kung paano nila kontrolin ang tono ng kanilang boses at sinubukan ko din gawin ito. Pagod at mahirap ang dinanas ko pero nasa kalagitnaan na ako kaya hindi na ako maaaring sumuko. Nag-insayo ako hanggang sa natuto na ako.

          Ang pangarap ay parang  mga binhi na itinatanim sa matatabang lupa. Pinag-uukulan ng panahon, lakas  at alagaan nang sa gayon ay lumaking matatag na kahit gaano kalakas ang bagyo di matutumb at sandigan ng lahat. Ganoon talaga. Walang taong nagtanim na umasa na kinabukasan ay puno na. Ano nga ang iyong tinanim mabuti o masama, makakatulong ba o makakasira? Simulan natin sa mabuting adhikain at nangangarap ay may kapasidad na tuparin ang kanilang pangarap. IKAW, AKO, SIYA, TAYO! Ay mga tao ibig sabihin may pangarap at may potensyal makamtan ito. Hindi bukas, makalawa o sa susunod na bagong taon kung hindi NGAYON! Tara na!